Saturday, February 5, 2011

5

Subject called LOVE. Naipasa mo ba toh?

"ang hirap pala kapag bumagsak sa isang subject." 


minsan mo na bang nasabi yan sa sarili mo? sa isang kaibigan? kapatid? o kaya naman may nakapagsabi na ba sa'yo nyan? 


madami tayong subject na kinukuha. madami tayong subject sa buhay. subject na kailanman hindi pinag aralan sa eskwelahan. subject na ikaw mismo ang teacher. bahala ka na kung pakikinggan mo ang sarili mo o hindi. bahala ka na kung paano mo tuturuan ang sarili mo. bahala ka na kung anong isasagot mo sa bawat exam. at bahala ka na rin kung paano mo ipapasa ang subject na toh. 

anong bang subject ang sinasabi ko dito? siguro ito ang paboritong subject ng lahat. ito ang subject na kahit gaano ka man katalino, nagiging bobo ka. tawagin natin 'tong love subject


kumuha ka ba ng subject na toh? nakakuha ka ba ng subject na toh? kasalukuyan mo bang kinukuha ang subject na toh? bumagsak ka na ba sa subject na toh? o magsisimula pa lang ang exam mo sa subject na toh? nag aral ka ba ng mabuti? di ba bawal ang kodigo sa subject na toh? pero pwede ang mag repeat. kaya lang kung magrerepeat ka, kayanin mo kaya? masasagot mo kaya ng mas maayos at tama ang bawat tanong? o nakaupo ka nalang, nakatitig sa kawalan, at sa pangalawang pagkakataon bagsak ka naman?


ang swerte mo kapag unang exam pa lang pasado ka. hindi mo na kelangan mag repeat. siguro kase nag aral ka ng mabuti. sinagot mo ng maayos at tama ang bawat tanong. pinag isipan mo ang sagot sa problem solving na ibinigay. gumawa ka ng isang napakagandang essay. namemorized mo ang chemical element kaya pagdating sa recitation, pasado ka. congrats. pagbutihin ang mga susunod na assignment. mag-aral ng mabuti dahil baka sa susunod na exam bumagsak ka na. 


hindi malas kung bumagsak ka man sa subject na toh. siguro hindi ka lang nag-aral ng mabuti. easy go lucky ka siguro. akala mo porket matalino ka, kaya mo nang ipasa ang subject na toh. o kaya naman kaya ka bumagsak dahil naging abala ka sa ibang bagay. hindi mo pinagtuunan ng pansin ang subject na toh. pero okay lang yun. pwede naman mag repeat di ba? pero pwede rin namang hindi. choice mo yun kung uulit ka o aayaw ka na. pwede rin naman ang magpahinga saglit. kumuha ka ng exam kapag handa ka na. mag-aral nalang ng mabuti. magsimula sa umpisa. wala namang masama kung bumagsak ka. ang importante may natutunan ka sa subject na toh. at sa susunod na exam alam mo na kung ano ang dapat na sagot. kung ano ang dapat pag aralan. kung paano pag aaralan. kung paano maging isang guro sa subject na toh. tanging ikaw lang ang magtuturo sa subject na toh. pwede kang mag research pero siguraduhin mo na sa bandang huli, sariling research mo pa rin ang susundin. 


masyado ata akong seryoso ah! carried away lang! hahaha! oh ikaw, pasado ka ba sa unang exam? o kasalukuyang nagre-repeat ka ngaun? o bumagsak ka at nagpapahinga lang saglit? 

5 comments:

krn said...

sad to say ako ay bagsak dyan. hindi pa man nauumpisahan bagsak na. hehe. siguro sadyang ganun lang talaga ang kapalaran ko. hehe pero masaya naman hahaha mga friends naman para kumumpleto ng araw

Madz said...

bumagsak ako diyan at sa ngayon ay nagpapahinga muna...

yelai abiel said...

meron bang practice exam? parang puro ganun palang ang nakukuha ko. or hindi ko lang maamin sa sarili ko na lagi akong bagsak hahahahahaha!

Anonymous said...

keep writing citi! following you!

Unknown said...

Nakikiepal po sa blog mo... Mukhang parehas kami ng kalagayan ni krn... bagsak din ako... sa simula pa lang alam kong hindi na ako papasa pero sinubukan ko pa rin umasang kahit papaano pasang-awa pero pu-tik yan, plakda... nice entry po!!!

Post a Comment