Thursday, February 3, 2011

2

Iwanan Ka? Like It or Not?

naisip ko lang...alin ang mas gusto nyo...ang iwanan ka o ikaw ang mang-iwan? wala lang. naisip ko nga lang toh. wala kase akong matanong dito kaya post ko na lang. baka sakaling may sumagot. *adik mode* well, para saken mas gusto ko na ako ang iwanan. (parang tanga lang noh?) eh baket ba? walang pakialamanan. blog ko toh eh! hahaha. 

pag iniwan ka ng taong mahal mo ibig sabihin nun... 

*hindi ka na niya mahal. usually yan naman ang laging dahilan dba?  hindi ka niya mahal dahil may iba na siyang mahal! hahaha!
*may iba na siyang gusto/mahal. taena yan! di makuntento sa isa! hahaha!
*hindi na siya masaya sa'yo. kase hindi ka na clown! kulang ka na sa pagpapatawa o kaya korni na lage ang mga jokes mo. boring ka ng kasama. kumbaga may sawa factor na.
*may malalim na dahilan. ano yun kasing lalim ng balon? minsan di mo maintindihan kung para sa'yo ang dahilan o para sa pansarili niya lang. 
*hindi boto/pabor ang magulang. e baket di naman araw ng eleksyon ah!
*may body odor ka. hindi niya na ma-take ang amoy ng hininga mo. ang amoy ng paa mo na parang amoy patay na daga. ang walang kasing tulad na putok mo. 
*hindi ka na sexy. pinabayaan kase ang sarili. ayan! naghanap tuloy ng iba. yung 36-24-36 ang vital statistics. 
at ang pinakamatindi sa lahat eh...iiwanan ka niya dahil gusto niyang maging masaya ka. amp! e paano pa magiging masaya kung iiwanan ka ng mundong nagpapasaya sa'yo? ang labo talaga! tsk. tsk. tsk. 

pero sabi ko nga, mas gusto ko na ako ang iwanan kesa ako ang mang iwan...kase pag ako ang iniwan, magagawa ko na ang lahat ng bagay na di ko nagawa nung kami pa it means may mas gwapo deserving pang lalaking darating sa buhay ko. mas magiging masaya ako. mas ma-e-explore ko ang mundo. magkakaroon ako ng chance na mag guy hunting enjoy sa buhay ko. to meet a new friends blah blah blah. pero minsan hindi pa rin maiiwasan na tanungin ang sarili kung bakit ka iniwan. at minsan iisa lang ang sagot lage. dahil nagkulang ka. di ba? tama ba? ahhh ewan! basta yun na yun! pero eventually, pag nakapag move on ka na, ang gaan sa pakiramdam. andun yung feeling na parang nabuo ka ulit. na mas happy ka. na kaya mong patunayan na kahit wala siya, kaya mong mabuhay. at higit sa lahat walang pagsisisi. walang guilt kahit ikaw pa ang iniwan. wala na yung drama na pagkatapos iwan eh babalikan mo pa siya dahil mahal mo pa rin pala. tsk. 

ganito lang yan. pag sinabihan ka ng ex mo na mahal ka pa rin niya...sagutin mo lang ng do I know you? 

anong konek ng taytol ko dito? wala. kelangan mo lang naman sagutin ang tanong na yun. hahaha!

2 comments:

Super Balentong said...

hindi ka magkakadiabetes! puro kain ka yata ng ampalaya. hehehe

Kamusta? perstaym ko dito.

citti v. said...

hahaha! iba na kase kapag peyborit ang ampalaya. puro bitterness ang nasa dugo! lolz!

Post a Comment