Tuesday, February 1, 2011

4

FEB-ibig month

Ito ang panahon ng JS Prom. Isama na rin natin ang walang humpay na pag selebreyt ng Valentines buong buwan. Oo. As in buong buwan magse-selebreyt kase nga lab is in da errr! Pero bakit ako hindi man lang ma-eksayt? Siguro kase wala naman akong balentino. Wala naman akong ka-deyt o i-de-deyt man lang. Tsk! Kumbaket naman kase single pa rin ako ngayon. Tsk. Tsk. Tsk. *rofl*

O balik tayo sa JS Prom. Bakit kaya itinaon sa buwan ng Pebrero ang Prom? Pwede naman sigurong ibang buwan like Nov. o Dec. o kaya Jan. Divah? Siguro kase para ma-eksayt ang mga bagets sa Prom nila. Paghahandaaan nila ng bonggang bongga dahil baka isayaw sila ng crush nila sa school. O wag kang magsinungaling! Naranasan mo din yan ah! Naramdaman mo din naman yung eksaytment. *talking to myself* Teka. Hindi lang naman ang Prom ang uso pag Pebrero ah!

FEB-ibig month means: 
  • gastos.oo.dahil uso ang deyt ngayong buwan. kaya dapat pinag ipunan na ang pang deyt para di agad mabutas ang bulsa kase after pa ng feb.14 ang sahod. remember kinsenas. hindi lang naman deyt ang pagkakagastusan mo. kundi pati pagbili ng regalo. syempre dahil pasikat ka, bibili ka ng flowers na pwede naman sanang pumitas sa kapitbahay ng bogambilya at yun nalang ang ibigay. minsan sasamahan pa ng tsokolate na pwede naman sanang tabliya na lang. at higit sa lahat eh lalagyan pa ng isang maliit na teddy bear na pwede naman sanang paper doll na lang para mas tipid. 
  • stress. dahil unang araw pa lang ng buwan aligaga ka na sa pag iisip kung ano ang isusuot mo sa Prom. kung saan bibili. pustahan tayo eksayted kang pumunta lagi sa mall dahil tumitingin ka ng design damit na pwedeng gayahin. minsan hindi nakakatulog agad dahil panay ang bilang ng araw bago ang JS Prom at ang kinalabasan eh malaki ang i-bags na pwede na ring tawaging i-maleta sa laki. tsk! 
  • pagod ang kamay. oh? anong iniisip nyo diyan? tsk! pagod ang kamay dahil sa kagugupit ng cartolina o colored paper na hugis puso para sa project. teka lang. bakit ba kelangan kulay pula? hindi ba pwedeng kukumban ang gamitin? o kaya yellow paper? pagkatapos gumupit ng hugis puso na kulay pula, ididikit pa ito sa isang tiniklop na makapal na papel, tinatawag na oslo paper. ewan kung baket yun ang tawag dun. tapos pagkadikit, susulatan pa ng sweet personal message para naman kiligin ma-tats yung pagbibigyan. 
  • love letter. uso pa nga ba yan? kase diba meron naman text, may email, may fb.pero siguro uso pa rin naman yan.atleast may effort much.aba!nakakapagod kaya mag isip tapos isusulat pa sa isang papel?oo.papel!kelangan magtipid kaya wag ng bumili ng stationery na mabango.pwede naman na sprayhan na lang ng bench na pabango. konting ingat lang dahil baka makatulugan mo ang pagbabasa ng love letter at biglang nabasa ng nanay mo kinabukasan dahil nahulog sa sahig.
  • red.in tagalog pula.so ano namang konek ng red?ewan!siguro red is love. o kaya naman red is the color of panty/brief shirt o blouse o kaya dress o kaya barong. pwede rin naman red is the color of towel para di makalimutan na balentayms month ngayon. *adiktus mode* 
  • bertdey.baket akala nyo walang magbebertdey sa buwan ng pebrero?akala nyo puso month lang ngayon? *di naman ako galit nito noh?hahaha* well, si Kris A., John P., Heart V. (sori kase sila lang ang tanda kong magkaka bday. explain much!), ay magbebertdey sa Pebrero 14.e ano naman ngayon? wala naman. sinasabi ko lang. alam ko naman na di ako invited kase di naman nila ako kilala. madami ang may bertdey ngayong buwan. o malay ko ba bertdey din pala ng kapitbahay mo. o kaya one yr old na pala yung asong inaalagaan mo.
  • sad.malungkot.oo.para sa akin yan.wag nyo ng tanungin kung baket.nasabi ko na dun sa taas di ba? uuyyy...sabay scroll up ng mouse kase interesadong malaman kung baket.huli ka!ahahaha!
O ayan. Nasabi ko na ang ibig sabihin ng FEB-ibig month. Bahala na kayong mag selebreyt ng sarili nyong balentayms. Siguraduhin nyo lang na naka-pula kayo araw-araw para di makalimot na love month pala ngayon. Siguro ang gagawin ko na lang eh manonood na lang ako ng movie yung may kilig factor para naman kiligin ako kahit mag isa lang ako horror/suspense para di ko maisip na wala akong ka-deyt! *emo mode*
Sana lang may maka-deyt ako sa FEB-ibig 14. *wink*

4 comments:

krn said...

ehem..hehe..hindi ka nag iisa sa pagiging single. but im happy siguro immune na ako tuwing feb.hehe. pero malay mo you never know biglang dumating ang hinihintay mong kadate this valentine. good luck to you

citti v. said...

apirr tayo! nakaka miss din kase yung bibigyan ako ng flower kahit bogambilya lang basta galing sa hart.naks! ahahaha!

ok lang kahit walang ka-date...basta may magpasaya lang :)

eMPi said...

ganun talaga... hehehe!


iba naisip ko sa pagod ang kamay. lols!

citti v. said...

>empi - ganun tlga ang alin? ahahaha! so isa ka rin sa mga walang ka-date sa feb 14? hahaha!

ikaw ha..ur so green! lols!

Post a Comment