Wednesday, February 2, 2011

4

SpongeBOB

Si SpongeBOB ay nakilala ko lang sa mundo ng internet. He's nice. Actually sa lahat naman. Friendly. Hanggang sa isang araw nagkabungguan kami sa mundo ng internet way back 2009. Hindi ko alam kung paano at bakit kami naging close. Siguro kase masyado lang siyang malande. Nag uusap kami lagi. Masaya lagi. Kulitan, asaran. Hanggang sa dumating yung point na may iba na kaming nararamdaman sa isa't isa. Okay payn! Ikaw na ang mahulog sa bangin! Hindi lang kami sa mundo ng internet nag uusap, nadamay na rin ang mundo ng cellphone. Oo! Sad to say textmate kami. Hahaha! 

"mahirap ipilit ang isang bagay na hindi naman talaga pwede" 

Malabo. Kasing labo ng tubig sa Pasig river. Alam ko ang sikreto nya. Alam ko kung anong estado ng buhay niya ngayon. Alam ko kung anong meron siya. Hindi siya bading. Kaya lang may isang dahilan kung bakit hindi kami pwedeng maging kami. Alam ko naman yun umpisa pa lang dahil sinabi niya na. Pero kase minsan nakakainis din ang nararamdaman natin. Pwedeng pigilan pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Parang tae lang pala yun! Akala ko pwedeng ipilit. Pero hindi pala. Dahil kahit ako mismo alam ko sa sarili ko kung gaano kalabo ang sitwasyon. 

"kung hindi pwedeng ipilit, maging masaya na lang" 

Nawala ang komunikasyon namin dahil na rin sa ginawa kong pag iwas. May mga dahilan din ako kung bakit. Lumayo ako. Nagtago pansamantala. Pero nakakamiss din pala siya. Lahat ng kulitan at asaran na-miss ko yun. Madami ang nangyari. Madami na akong hindi nakukwento sa kanya. Nagbalik ako. At sa pagbabalik ko nag usap kami ng matino. Yung seryosong usapan. Lahat sinabi niya sa akin. That's the time na naramdaman ko na minahal niya pala talaga ako. Pero hindi pwede. Madami siyang sinabi. Madami siyang explanation. Madaming tanong. Madami siyang sinabing mga realization sa akin. Masakit dahil totoo ang lahat ng sinabi niya. After that conversation, back to normal na ulit. Friends. And as of now were still talking. Kulitan. Asaran. Landian kung minsan. Hahaha!

Spongebob ang tawag ko sa kanya dahil isa siyang absorber ng buhay ko. Lahat ng ka-emohan ko alam niya. Lahat ng sakit na naramdaman ko, alam niya. Lahat ng inis ko, alam niya. Sinalo niya lahat yun. All I can say to him is that one day, magiging proud at happy din siya para sa akin. Kung itatanong niyo kung nagkita na kami ni spongebob, well...sa picture OO. Pero sa personal, fes to fes, HINDI PA! Lintik na yan! Ayaw ata magpakita sa akin. Baka natakot siya kase baka magdrama na naman ako pag nagkita kami o kaya naman baka mainlab talaga siya sa akin ng tuluyan! *evil laugh* Hopefully magkita kami before end ng year. *wink*   

4 comments:

Anonymous said...

weird!

someone is calling me Spongebob too.

whatta coincidence. this post made me smile.

yun lang. bye!

citti v. said...

wehhh? di nga? baka ikaw tong nasa post ko. lolz!!!

kelangang may bye tlga? hahaha!

YanaH said...

pwede ko bang sabihin na super nakarelate ako? well sa unang part ng post mo, its as if youre writing my story. un nga lang.. wala akong guts to stay away. hehehe ako ang hibang na hibang.. in my case, hindi pwedeng maging kami, well kasi.. hindi nya ko gusto lol..

yun lang..

kaazur! hahaha

citti v. said...

>YANAH - hirap pag naiinlab noh? tas biglang hindi pala pde dahil mga ewan na dahilan. hahaha! nakow! baka naka drugs ka kaya hibang na hibang ka? lol.

paano mo naman nasabi na di ka nya gusto? sinabi nya ba sau? hehehe.

Post a Comment